BUKID AY BASA (Part 15 Anihan)
Sa buhay na ito, lahat tayo ay mga manananim. Nagtatamim tayo upang umani. Minsan, sagana ang ating ani. Minsan tabla-tabla lang. Minsan naman ay halos wala tayong inaani mula sa ating itinanim. Subalit, bilang manananim, hindi mahalaga kung may anihin o wala. Ang mahalaga ay nagsabog ka ng binhi. Ang mahalaga ay ginampanan mo ang role mo bilang manananim. Mahalaga ay mayroon kang ipinunla.
May kasabihan ding kung ano ang iyong itinanim ay iyon din ang iyong aanihin…
“Nasaan ang mga anak mo at si mang Usting?” tanong ko kay Lissa nang makapasok na kami sa kabahayan nila.
Asenso na sina Lissa. Dalawang palapag na ang modernong bahay nila. Tiles na ang sahig ng buong kabahayan nila. May main terrace sa harapan na sliding door na yari sa solidong kahoy na Narra ang dalawang dahon ng pinto. May dalawang decorative lamps sa magkabilnag gilid ng pinto ng main na terrace. May nakapaikot din na makipot na terrace mula sa study room hanggang sa likod bahay. Stainless steel ang baluster at pasimano ang nakapa-ikot sa terrace. Maging ang hawakan ng hagdan ay stainless steel din.
Maging ang banyo at kusina ay moderno na rin at halatang itinulad sa mga bahay na matatagpuan sa ibang bansa.
“Isinama ni ama ang mga bata sa Cabanatuan City at ipaghahambog daw nya sina kambal sa mga kamag-anak namin doon,” paliwanag ni Lissa.
“Walang sira ang pump namin, may linya na ng tubig at kuryente dito sa barangay…” sabi ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





